CAJIDIOCAN, Romblon – Dinakip ng mga kapulisan ang isang lalaking marinero na may mandamyento de aresto dakong 2:00 ng hapon ng Disyembre 15, 2023 sa Barangay Lumbang Este, Cajidiocan, Romblon.
Kinilala ang hinuling lalaki na si Oscar Ruado Red, 57 taong gulang, may-asawa, seaman, at residente ng Barangay Lumbang Este, Cajidiocan, Romblon.
Si Red ay inaresto ng pinagsanib na tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station, PIU-Romblon PPO, Romblon PMFC at Trece Martires CPS-Cavite PPO sa bisa ng Warrant of Arrest na insyu noong Hulyo 4, 2020 ni Honorable Flordeliz Cabanlit, Presiding Judge, Fourth Judicial Region, Family Court, Branch 5, Trece Martires City sa kasong paglabag sa Sec 5 (e) (2) ng RA 9262 sa ilalim ng Criminal Case No. TMCR-896-20.
Ang Korte ay may rekomendang piyansa na halagang P36,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang inarestong lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng Cajidiocan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop ng Korte sa nararapat na disposisyon. (AMM)







Add Comment