Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
"Paiwag sa Banwa 2023" ng Bayan ng Looc, Romblon, Matagumpay - Romblon Sun
Home » Blog » “Paiwag sa Banwa 2023” ng Bayan ng Looc, Romblon, Matagumpay

“Paiwag sa Banwa 2023” ng Bayan ng Looc, Romblon, Matagumpay

LOOC, Romblon – Sinaksihan ng mga Loocnons at maging ng mga bisita mula sa karatig bayan ang opening ceremony ng “Paiwag sa Banwa 2023” (pailaw sa bayan) na isinagawa sa Looc Public Plaza, Looc, Romblon noong Sabado ng gabi ng Disyembre 2, 2023 kasabay rin ng pagbubukas ng mga food stall sa nasabing bayan.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Lisette M. Arboleda kasama ang mga Opisyales at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Looc, at ng mga Barangay Officials ng iba’t-ibang barangay.

Tuwang tuwa naman ang lahat noong mabuksan ang pailaw at lumiwanag ang buong parke. Naging makulay ang kapaligiran dulot ng mga kutitap ng mga ilaw na nakakabit sa naglalakihang mga parol na gawa sa mga recycles na materyales.

Hindi rin pinalampas ng mga Loocnons at ng mga bisita na tikman ang mga nakatatakam na mga pagkain sa mga food stalls.

Dagdag sa kasiyahan ng mga naroon ay ang kantahan at tugtugan na hatid ng 7th Harmony Band kung saan ay naeengganyong umindak at sumayaw ang mga nakakarinig sa kanilang masasayang musika.

Inaanyayahan ng Looc LGU ang lahat na mamasyal sa Looc Public Plaza. Looc, Romblon at saksihan ang kanilang “Paiwag sa Banwa 2023” gabi-gabi na magtatapos sa katapusan ng Disyembre ngayong taon. (Tony Miñano Macalisang)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment