Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Suspek sa pagnanakaw nakuhaan ng baril na paltik - Romblon Sun
Home » Blog » Suspek sa pagnanakaw nakuhaan ng baril na paltik

Suspek sa pagnanakaw nakuhaan ng baril na paltik

ODIONGAN, Romblon – Isang baril na paltik ang nakuha sa isang lalaking suspek sa pagnanakaw dakong 11:10 ng gabi ng Disyembre 5, 2023 sa Sitio Rapayon, Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.

Ang suspek ay kinilala na si Dante Carino Bansoli, 43 taong gulang, binata at residente ng Barangay Agnocnoc, Ferrol, Romblon.

Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, nagsasagawa umano ng pagpapatrolya ang kanilang mga tauhan sa sakop ng bayan ng Odiongan at noong nag-iikot at napagawi sa nasabing lugar ay may nakita silang tao na kahina-hinala ang kilos. Ito ay nakasuot ng damit at pantalon na kulay itim, nakasumbrero ng kulay dilaw habang bitbit ang isang kulay violet na eco bag.

Noong kanila itong nilapitan at inilawan ng flashlight ay nakilala ng mga pulis ang lalaki na dating sangkot at suspek sa pagnanakaw ng motor pump ilang araw na ang nakalipas sa parehong lugar.

Nang papalapit ang mga pulis ay bigla na lang umanong kumaripas ng takbo ang suspek kung kaya’t hinabol ito ng mga alagad ng batas.

Habang tumatakbo ang suspek, may nahulog umanong baril mula sa baywang nito at ng maabutan ay agad itong inaresto ng kapulisan.

Ang narekober sa suspek ay isang kalibre .38 na revolver na walang serial number na may karga na tatlong bala at isang eco bag na may lamang bigas, de latang sardinas at karne norte, pancit canton at mga pakete ng 3-in-1 na kape.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Odiongan MPS.

Kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law in Firearms and Ammunition) ang inihahanda ng OMPS na isampa sa Provincial Prosecutor’s Office laban sa suspek. (TMMacalisang)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment