Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Binata pinagtulungang bugbugin at sinaksak ng isa sa suspek, sa Looc, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Binata pinagtulungang bugbugin at sinaksak ng isa sa suspek, sa Looc, Romblon

Binata pinagtulungang bugbugin at sinaksak ng isa sa suspek, sa Looc, Romblon

LOOC, Romblon – Isang binata na pinagtulungan suntukin ng tatlong lalaki ang nasaksak ng isa sa suspek kahapon, Nobyembre 25, 2023 sa Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.

Ang biktima ay kinilala na si James Candido Atienza, 18 taong gulang, binata, construction worker at residente ng Barangay Limon Norte, Looc, Romblon, habang ang mga suspek ay nakilala na sina Jericho Amar, Armil Amar, at Renz Faeldog pawang mga nakatira sa Barangay Pili, Looc, Romblon.

Ayon sa imbestigasyon ng Looc Municipal Police Station, inalok umano ng biktima ang mga suspek ng inuming beer ngunit tinanggihan umano ito ng mga suspek. Pagkatapos nito ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at mga suspek na humantong sa pagsuntok ng suspek sa biktima na tinamaan sa ibaba ng bunganga at sumunod sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Lumaban umano ang biktima at mayamaya pa, isa sa mga suspek ang kumuha ng matulis na bagay at sinaksak ang biktima na tinamaan sa ibaba ng dibdib.

Dinala ang biktima sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa Barangay Punta, Looc, Romblon para malapatan ng kaukulang lunas.

Samantala isinasagawa ng mga tauhan ng Looc MPS ang hot pursuit operation para sa ikadadakip ng mga suspek. (Tony M. Macalisang)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment