SAN FERNANDO, Romblon – Binaha ang Barangay Agtiwa, partikular sa Sitio Tinimbawan ng bayan ng San Fernando, Romblon kaninang umaga matapos na umapaw ang tubig sa ilog ng nasabing barangay dulot ng pagbuhos ng malakas na ulan.
Pahirapan ang pagdaan ng mga sasakyan sa nasabing barangay na halos hindi na makita ang kalsada sa taas ng baha.
Pinagpaingat ng kinaukulan ang mga residente sa nasabing lugar at maghandang lumikas kung tuloy-tuloy ang pagtaas ng tubig.
Samantala, inatasan ng LGU San Fernando ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na mag-antabay para makagawa agad ng evacuation sa mga apektadong residente ng nasabing lugar kung lumala pa ang paglaki ng tubig baha.
Maliban sa baha ay binabantayan rin ang mangyayaring landslide na malalapit sa mga kabahayanan sa gilid ng mga bundok na itinuturing na landslide prone area. (Tony Miñano Macalisang)







Add Comment