Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Kuya patay sa palo ng kapatid gamit ang tubo sa San Agustin, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Kuya patay sa palo ng kapatid gamit ang tubo sa San Agustin, Romblon

Kuya patay sa palo ng kapatid gamit ang tubo sa San Agustin, Romblon

SAN AGUSTIN, Romblon – Namatay sa ospital ang isang lalaking senior citizen matapos itong pagpapaluin ng tubo ng kanyang nakababatang kapatid pasado alas sais ng hapon kahapon, Nobyembre 19, 2023 sa Barangay Binongaan, San Agustin, Romblon.

Ang biktima ay kinilala na si Rolando Flaviano Rapal, 67 taong gulang, walang asawa, magsasaka habang ang suspek ay ang nakababatang kapatid nito na si Lito Flaviano Rapal, 38 taong gulang, binata, magsasaka at kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa ulat ng San Agustin Municipal Police Station, ang suspek na si Lito ay pumunta umano sa isang tindahan para bumili ng sigarilyo kung saan ay naroon rin ang nakatatandang kapatid nito na si Rolando (biktima).

Wala umanong dahilan na bigla na lang sinuntok ng biktima si Lito (suspek) na tinamaan sa kaliwang braso. Dahil sa alam ni Lito (suspek) na pinatay ng nakatatandang kapatid na si Rolando (biktima) ang isa pa nilang kapatid na si Rommel Flaviano Rapal noong nalipas na Disyembre 2022, at sa isip nito na baka papatayin rin umano siya nito.

Nakakita umano ng tubo (steel pipe) ang suspek na kanyang ginamit na pang hampas sa biktima na tinamaan sa iba’t-ibang parte ng ulo at leeg.

Dinala ng mga nakasaksi ang biktima sa Tablas Island District Hospital para malapatan ng kaukulang lunas ngunit kalaunan ay idineklara itong patay na ng sumuring doktor.

Sumuko naman ang suspek sa pulisya dakong 8:20 ng gabi.

Kasong Homicide ang inihahandang isampa ng San Agustin MPS sa Provincial Prosecutor’s Office laban sa suspek.  (Tony Miñano Macalisang)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment