Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Menor de edad na bata natagpuang palutang-lutang sa dagat ng San Andres, Romblon, nalunod - Romblon Sun
Home » Blog » Menor de edad na bata natagpuang palutang-lutang sa dagat ng San Andres, Romblon, nalunod

Menor de edad na bata natagpuang palutang-lutang sa dagat ng San Andres, Romblon, nalunod

SAN ANDRES, Romblon – Binawian na ng buhay ang isang menor de edad na batang lalaki bago pa man dumating ng ospital matapos itong makita na lumulutang sa dagat kaninang 10:00 ng umaga, Nobyembre 15, 2023 sa baybayin ng Sitio Core, Barangay Poblacion, San Andres, Romblon.

Ang biktima ay isang menor de edad na batang mag-aaral na lalaki at residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng San Andres Municipal Police Station (SAMPS), dakong alas 9:00 ng umaga, ang biktima at ang kanyang ina na si Maria Janice Aquino ay dumating sa kanilang bahay mula sa paaralan. Noong nasa loob na umano sila ng kanilang bahay ay binilinan ng ina ang kanyang anak na umupo, manatili sa loob at huwag lumabas ng kanilang bahay dahil gagamit ito ng CR (comfort room). At noong lumabas ito ng kubeta ay wala na umano ang kanyang anak sa loob ng kanilang bahay, kaya’t hinanap niya ito at ipinagtanong sa kanilang kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak na bigo niyang makita.

Samantala, dakong 10:00 ng umaga ng nasabing araw, napansin ni Wolsie Santiago Morada, 69 taong gulang, may-asawa, mangingisda at residente rin ng nasabing lugar na may nakalutang na bata sa dagat malapit isang bangkang de motor. Sinubukan umano nitong tawagin ito ngunit ito sumasagot, kaya’t mabilis na tumalon sa dagat si Morada at kinuha at binuhat ang nakalutang na bata at dinala sa aplaya. Inutusan din nito ang isang tambay na ipagbigay alam sa ina ng biktima na natagpuan ang kanyang anak na nakalutang sa dagat.

Agad nilang dinala ang biktima sa San Andres Municipal Hospital ngunit idineklara itong “dead on arrival” (DOA) ng sumuring doktor na si Dra. Maria Gianina Tangonan na siyang nakaduty sa oras na iyon sa nasabing ospital. (Tony M. Macalisang)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment