Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Nakatulog na motorista bumangga sa nakaparadang multicab ng barangay sa Alcantara - Romblon Sun
Home » Blog » Nakatulog na motorista bumangga sa nakaparadang multicab ng barangay sa Alcantara

Nakatulog na motorista bumangga sa nakaparadang multicab ng barangay sa Alcantara

ALCANTARA, Romblon – Duguan sa ulo na dinala sa ospital ang isang lalaking motorista matapos itong bumangga sa nakaparadang multicab sa tabi ng Barangay Hall ng Poblacion, Alcantara, Romblon noong madaling araw ng Oktubre 18, 2023.

Nakilala ang biktima na si Francis Rdane Galos, 24 taong gulang, binata at residente ng Barangay Tugdan, Alcantara, Romblon.

Base sa ulat ng Alcantara Municipal Police Station (AMPS), sakay umano ang biktima sa kanyang kulay itim na Suzuki Skydrive Sporty scooter mula sa Barangay Punta, Looc, Romblon at pauwi na sa Barangay Tugdan, Alcantara, Romblon at pagsapit, malapit sa Barangay Hall ng Barangay Poblacion, Alcantara, Romblon ay nakatulog umano ito at direktang sumalpok sa nakaparadang multicab sa tabi ng barangay hall na pag-aari ng Barangay Poblacion.

Dinala ang biktima na nagtamo ng sugat sa ulo sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa Barangay Punta, Looc, Romblon para sa kaukulang lunas.

Ayon sa Alcantara MPS, galing umano ang biktima sa isang inuman sa bayan ng Looc, Romblon at umuwi ito sakay ng kanyang motorsiklo na matulin ang pagpatakbo. (AMM)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment