ODIONGAN, Romblon – Isang menor de edad na mag-aaral ang nasagasaan ng humaharurot na motorsiklo sa National Road ng Barangay Batiano, Odiongan, Romblon noong hapon ng Oktubre 4, 2023.
Ang biktima ay isang mag-aaral ng Odiongan North Central Elementary School, Barangay Batiano, Odiongan, Romblon habang ang suspek ay kinilala na si Azriel Jose Gal, 23 taong gulang, estudyante, binata at residente ng Barangay Marigondon Sur, San Andres, Romblon.
Base sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), sa nasabing petsa, oras at lugar, binabaybay umano ng suspek ang kahabaan ng National Road ng Brgy Batioano, Odiongan, Romblon papuntang direksyon ng Norte, habang ang biktima ay naglalakad sa tabi ng kalsada ng nasabing barangay at nang dumating ito malapit sa Energyβs Gas Station ay tumawid ito ng kalsada kung saan ay mabilis naman na paparatingΒ ang sinasakyang motorsiklo na Honda Click 125 ng suspek na aksidenteng nabundol ang biktima. Kapwa tumilapon ang biktima at suspek sa kongkretong kalsada.
Nagtamo ng malubhangΒ sugat sa ulo at kanang paa ang biktima na agad isinugod sa Romblon Provincial Hospital. Ligtas naman umano ang suspek at hindi ito nagalusan.
Napag-alaman na dinala sa Maynila ang biktima ngunit binawian ito ng buhay habang nasa biyahe. (RSun Staff)







Add Comment