ODIONGAN, Romblon – Dinakip ng mga kapulisan ang isang lalaki na may mandamyento de aresto nitong umaga ng Oktubre 9, 2023 sa Barangay Amatong, Odiongan, Romblon.
Ang lalaki ay nakilala na si Jennifer Salivio Moises, 43 taong gulang, driver at residente ng Barangay Buenavista, Looc, Romblon.
Si Moises ay hinuli ng pinagsanib na tauhan ng CIDG Romblon PFU (Lead Unit), Odiongan Municipal Police Station, Romblon Municipal Police Station, R2/RID MIMAROPA at Romblon PIU sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Mayo 12, 2014 ni Honorable Jose Madrid, Executive Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon sa kasong Robbery sa ilalim ng Criminal Case No. OD-2265.
Ang Korte ay may rekomendang piyansa na halagang P100,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ang inarestong lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng CIDG Romblon PFU para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)







Add Comment