Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaking Wanted sa Kasong Murder, Arestado - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaking Wanted sa Kasong Murder, Arestado

Lalaking Wanted sa Kasong Murder, Arestado

LOOC, Romblon – Dinakip ng kapulisan ang isang lalaking may warrant of arrest sa kasong murder nitong umaga ng Setyembre 29, 2023 sa Sitio Toril, Barangay Punta, Looc, Romblon.

Ang lalaki ay nakilala na si Alfaro Gabay Dalisay, 44 taong gulang, binata, helper at residente ng Sitio Bariri, Barangay Hinag-uman, Ferrol, Romblon.

Si Dalisay ay hinuli ng pinagsanib na operatiba ng RID PRO MIMAROPA – Romblon CIT, RIU 4B-Romblon PIT at Looc Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest  na                   inisyu ni Honorable Francisco F. Fanlo, Jr, Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 82, Odiongan, Romblon noong Hunyo 23, 2003 sa kasong Murder sa ilalim ng Criminal Case No. OD-1529.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ang inarestong lalaki ay dinala sa Looc MPS para sa kaukulang dokumentasyon at ihaharap sa nakakasakop na korte. (AMMacalisang)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment