MANILA – Dalawang bayan sa lalawigan ng Romblon ang napabilang sa top competitive municipalities sa bansa at binigyan ng rekognasyon sa ginanap na 11th Annual National Competitiveness Summit – Cities and Municipalities Competitive Index (CMCI) 2023 Awards na idinaos sa Manila Hotel nitong Setyembre 28, 2023.
Kinilala ang bayan ng Odiongan at San Fernando ng 2023 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) bilang isa sa mga mapagkumpitensya na munsipyo sa bansa.
Nakuha ng bayan ng Odiongan ang ika top 2 most competitive na munisipyo na kabilang sa 1st at 2nd class municipalities sa bansa pagdating sa Government Efficiency kung saan maaasahan ang binibigay na serbisyo at suporta sa pagpalawak ng mga sustainable na programa ng LGU.
Ang bayan naman ng San Fernando, Romblon ay nasa top 2 sa most competitive sa Government Resiliency na mas mataas sa ibang LGU na kasama sa 3rd at 4th class municipalities sa buong bansa.
Personal na tinanggap nina Mayor Trina Firmalo-Fabic ng Odiongan at San Fernando Mayor Nanette Tansingco ang pagkilalang nakamit ng kanilang pinamumunuang bayan.
Kasama rin ng dalawang alkalde si Provincial Director Noel Flores, ng DTI Romblon sa pagtanggap ng award. (Tony Miñano Macalisang)






Add Comment