Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Mag-aaral nabundol ng motorsiklo sa San Andres, Romblon, naospital - Romblon Sun
Home » Blog » Mag-aaral nabundol ng motorsiklo sa San Andres, Romblon, naospital

Mag-aaral nabundol ng motorsiklo sa San Andres, Romblon, naospital

SAN ANDRES, Romblon – Isang batang mag-aaral ang nabundol ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada nitong 11:20 ng umaga ng Setyembre 1, 2023 sa national road ng Barangay Agpudlos, San Andres, Romblon.

Ang biktima ay isang menor edad na residente ng nasabing barangay habang ang suspek ay nakilala na si Ludy Falculan Selosa, 53 taong gulang, may-asawa, magsasaka, walang lisensya sa pagmamaneho at residente ng Barangay Linao, Calatrava, Romblon.

Sa Imbestigasyon ng San Andres Municipal Police Station, matulin umanong binabaybay ng suspek ang kahabaan ng national road ng Barangay Agpudlos, San Andres, Romblon sakay ng motorsiklong Motorstar Well 125 at pagdating sa lugar ng insidente ay nawalan umano ito ng kontrol sa kanyang sinasakyang motorsiklo at nahagip ang tumatawid na bata mula sa eskwelahan.

Dahil sa aksidente, nagtamo ng pinsala sa kaliwang paa ang biktima habang ang suspek ay nagtamo ng kaunting pinsala sa kanang paa.

Parehong dinala ang biktima at suspek sa San Andres Municipal Hospital para sa kaukulang lunas. Kalaunan ay inilipat ang menor edad na biktima sa Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan upang ganap na masuri sa tinamong pinsala sa naturang aksidente.

Ang sangkot na motorsiklo ay dinala sa himpilan ng San Andres MPS para sa kaukulang disposisyon. (AMM)

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment