Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Suspek Sa Pagmasaker Sa Mag-ina Sa San Jose Nahuli Na - Romblon Sun
Home » Blog » Suspek Sa Pagmasaker Sa Mag-ina Sa San Jose Nahuli Na

Suspek Sa Pagmasaker Sa Mag-ina Sa San Jose Nahuli Na

SAN JOSE, Romblon – Nadakip na ng  mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station SJMPS) ang sinasabing  suspek sa pagmasaker sa mag-ina sa bayan ng San Jose na nangyari dakong madaling araw ng Enero 26, 2020 sa Sitio Upper Hinulugan, Barangay Poblacion, San Jose, Romblon.

Ang suspek na kinilalang  si Patrick Rufino Cahilig, 35 taong gulang, at residente ng Sitio Miason, Barangay Busay, San Jose, Romblon ay isa sa apat na “person of interest” na naunang ibinalita ang inaresto ng mga tauhan ng San Jose MPS dakong 6:00 ng hapon ng Enero 28, 2022 matapos itong positibong ituro ng testigo na si Charlie Mendoza Seraspi na siyang pumatay sa mga biktima na sina  Wielyn Maximo Mendoza at sa dalawang anak nitong lalaki na may edad na siyam (9) at pitong (7) taong gulang at pawang mga residente ng Sitio Upper Hinulugan, Barangay Poblacion na nasabing bayan.

Ayon sa testigo na si Seraspi, na noong gabi ng Enero 25, 2022, natutulog umano siya sa hiwalay na kuwarto sa bahay ng biktima pagkatapos na dumalo sa isang handaan kasama ang tatlong biktima.

At dakong 1:00 ng madaling araw kinabukasan, Enero 26, ay nagising umano siya dahil sa ingay ng kadena at kung saan ay kanyang nakita ang suspek na palabas ng bahay ng biktima. Binalewala umano niya ito at bumalik siya sa kanyang pagtulog.

Nagulat na lang umano siya noong ginising siya ng kanyang kapatid na si Wilbert Mendoza dakong 8:00 ng umaga at ibinalita nito na patay na ang mga biktima. Agad naman nilang ipinagbigay alam ang nasabing pangyayari sa San Jose MPS.

Ayon naman sa San Jose MPS, positibo umano nakilala ng testigo ang suspek dahil ito ay “live-in partner” ng kanyang ina at natatakot umano itong magsumbong at sabihin ang kanyang nakita at magbigay ng salaysay agad dahil sa pangamba para sa kanyang kaligtasan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Jose MPS ang suspek at inihahanda ang pagsampa ng kaukulang kasong “three counts of murder” laban sa suspek sa Provincial Office, Odiongan, Romblon. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment