Mariing kinokondena ng Nagkaisa Labor Coalition ang kamakailang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa paghihiwalay ng Mindanao mula sa Pilipinas.
Ang NAGKAISA ay nagpahayag ng malalim na pagkabahala at pagkadismaya sa mga komento ni Duterte. “Para bagang may kriminal na pag-iisip siyang gustong magtutulak sa mga Pilipino na muling magpatayan sa isang digmaang sibil.”
Inilahad ng NAGKAISA na ang panawagan ni Duterte para sa secession bilang pagtutol sa pagbabago ng saligang batas ay isang hindi katanggap-tanggap na panukala, na tila baga pagtalon sa apoy mula sa kawaling naglalagablab.
(Duterte’s call for secession as a means to oppose the amendment of the constitution is an unacceptable proposal, akin to jumping into the fire from a frying pan)
Ang panukala ni Duterte ay layung lumikha ng kaguluhan, na liligaw sa kasalukuyang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC). Ito ay estratehiya ni Duterte upang lituhin ang mga isyu at ilayo ang pansin mula sa legal na pagsusuri na kanyang kinakaharap.
Mariin ding inakusahan ng NAGKAISA si Duterte ng paglapastangan sa legasiya ng mga usapang pangkapayapaan sa kanyang administrasyon. “Ang kanyang mga kamakailang pahayag ay kumpletong pagbaligtad sa progresong nagawa sa mga negosasyong pangkapayapaan at isang insulto sa sama-samang pagsisikap ng mga naghangad ng pagkakaisa at pagkakasundo sa ating bansa.”
Nagpahayag din ng pangamba ang NAGKAISA na ang panawagan ni Duterte para sa paghihiwalay ng Mindanao ay maaaring lubhang magpapabagsak sa bansa.
“Nagbabanta ito na wasakin ang pinaghirapan nating progreso bilang isang bansa, at mailagay sa panganib ang demokratikong pundasyon at pagkakaisa ng Republika.”







Add Comment