Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
SUV sumabog ang gulong, bumangga sa tindahan sa Odiongan, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » SUV sumabog ang gulong, bumangga sa tindahan sa Odiongan, Romblon

SUV sumabog ang gulong, bumangga sa tindahan sa Odiongan, Romblon

ODIONGAN, Romblon – Aksidenteng bumangga ang isang sasakyan sa isang tindahan matapos na sumabog ang hulihang gulong nito kaninang 1:00 ng hapon ng Disyembre 26, 2023 sa national road ng Barangay Batiano, Odiongan, Romblon.

Ang may-ari ng tindahan ay napag-alaman na sina Marry  Ann Guirindola Fabito, 39 taong gulang at Saturnino Fradejas Fabito, 70 taong gulang, kapwa negosyante at parehong nakatira sa Barangay Batiano, Odiongan, Romblon, habang ang may-ari at nagmamaneho ng sasakyan ay kinilala na si Atty. Petroni Fontamillas Fradejas, 57 taong gulang, may-asawa, abogado at residente ng Barangay Liwayway, Odiongan, Romblon.

Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), binabaybay umano ng SUV na kulay pula na Ford Territory ang national road ng barangay Batiano, Odiongan, Romblon papunta sa direksyon ng Poblacion ng Odiongan, Romblon.

Pagsapit sa tapat ng bahay ng pamilya Famisaran ay sumabog umano ang hulihan na kanang gulong ng sasakyan kung saan ay nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver at aksidente nabangga ng sasakyan ang tindahan ng mga biktima.

Nagtamo ng hindi pa batid na halaga ang nasira sa tindahan at sa motorsiklo na pag-aari ni Saturnino Fabito na nakaparada sa gilid ng tindahan.

Ligtas naman ang drayber ng sasakyan at maging ang dalawang may-ari ng tindahan. (RSun Staff/Photo courtesy of Paul Jaysent Foz/RNN)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment