SANTA FE, Romblon – Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 28(a) of RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) ang isang lalaking mangingisda at babaeng miyembro ng Sangguniang Bayan ng Alcantara, Romblon matapos makuhaan ng isang baril at mga bala sa ginawang search warrant sa kanilang bahay nitong umaga ng Abril 23m 2026, sa Barangay Mat-i, Santa Fe, Romblon.
Kinilala ang mga suspek na si alyas “Ric”, may-asawa, mangingisda at si “Josie” incumbent na miyembro ng Sangguniang Bayan g Alcantara, Romblon at kapwa residente ng Barangay Mat-i, Santa Fe, Romblon.
Base sa ulat ng Romblon PPO, ikinasa ng mga operatiba ng CIDG Romblon PFU (lead unit), katuwang ang mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station, RIU 4B-PIT Romblon, at Romblon RIT-Regional Intelligence Division PRO MIMAROPA, ang paghalughog sa bahay ng mga suspek sa bisa ng Search Warrant na inisyu nitong Abril 22, 2026 ni Hon. Edwin B. Buffe, Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 82, Odiongan, Romblon sa paglabag sa RA 10591.
Natagpuan sa nasabing bahay ang isang baril na caliber .38 revolver at anim (6) na bala ng caliber .38 na naging daan para arestuhin ang mga suspek.
Ang pagsiyasat sa bahay ng mga suspek ay isinagawa sa presensiya ng mga suspek at sinaksihan ng Barangay Chairman at Barangay Kagawad ng Barangay Mat-i, Santa Fe, Romblon.
Ipinaalam sa mga suspek ang dahilan ng kanilang pagkaaresto at ang kanilang karapatan na nakasaad sa Saligang Batas sa ilalim ng Miranda Doctrine.
Dinala ang mga suspek sa CIDG Romblon Provincial Field Office, kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (RSun Staff)








Add Comment