ODIONGAN, Romblon – Nahaharap sa paglabag sa RA 9165 ang isang lalaking caretaker matapos na masakote sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad kaninang 10:30 ng umaga, Nobyembre 14, 2024 sa Barangay Libertad, Odiongan, Romblon.
Kinilala ng Odiongan Municipal Police Station ang suspek na isang 50 taong gulang, caretaker, walang asawa, at residente ng Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.
Ayon sa Odiongan MPS, ang MDEU ng Odiongan MPS (lead unit), PDEA Romblon, PIU Romblon, RPMFC Odiongan, RID PRO MIMAROPA Romblon CIT sa koordinasyon ng PDEA MIMAROPA ay nagsagawa ng anti-illegal drug operations (buy-bust) na nagresulta sa pagkahuli sa suspek.
Isang pulis ang nagpanggap na buyer ang nakabili umano sa suspek ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu” kapalit ang halagang isang libong piso (P1,000.00).
Nakumpiska pa sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang ilegal na droga, at pera na halagang isang libong piso (P1,000.00)
Ang pag-imbentaryo at pagkuha ng mga litrato ay isinagawa sa nasabing lugar sa harap ng suspek at mga testigo na kinabibilangan ng Opisyal ng Barangay Libertad, Odiongan, Romblon, kinatawan ng media at representante mula sa tanggapan ng piskalya.
Tinatantiya na ang timbang ng nakuhang ilegal na droga sa suspek ay may bigat na, 0.0560 grams ay nagkakahalaga ng humigit kumulang sa dalawang libong piso (P2,000.00).
Ang nakuhang ilegal na droga at ang suspek ay dadalhin sa Romblon Provincial Crime laboratory Office para sa kaukulang pagsusuri.
Isinailalim sa kustodya ng Odiongan MPS ang suspek habang inihahanda ang pagsampa dito ng kaso sa Provincial Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa Section 5 and 11 Article II of RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (RSun Staff)







Add Comment