ODIONGAN, Romblon – Dinakip ng mga kapulisan ang isang lalaking may mandamyento de aresto dakong hapon ng nakalipas na araw sa pier ng Odiongan, Barangay Batiano, Odiongan, Romblon.
Ang lalaki ay nakilala na si Rijie Perez, 29 taong gulang, may kinakasama, mangingisda, at residente ng Purok 4, Sacub, Hagonoy, Davao Del Sur.
Si Perez ay inaresto ng pinagsanib na operatiba ng Calatrava Municipal Police Station (Lead unit), Odiongan MPS, San Agustin MPS, 1st Platoon RPMFC, Corcuera Coast Guard Sub Station, Odiongan CG Sub Station at Hagonoy MPS, Davao Del Sur sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Marso 11, 2024 ni Hon. Carfelita B. Cadiente-Flores, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch-61, Digos City. Davao Del Sur sa kasong Carnapping sa ilalim ng Criminal Case No. 76 (2024).
May rekomendang piyansa ang Korte na halagang P120,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ang dinakip na lalaki ay dinala sa Calatrava MPS para sa kaukulang disposisyon.
(RSun News Desk)








Add Comment