LOOC, Romblon – Diretso sa kulungan ang isang lalaki na pangalawa sa most wanted person ng Romblon PPO na may warrant of arrest dakong 4:00 ng hapon nitong nakaraang araw sa Sitio Balinsasayaw, Barangay Buenavista, Looc, Romblon.
Nakilala ang lalaki na si Mabini Nepomuceno Tanoa-an, 54 taong gulang, may-asawa, vendor at residente ng nasabing lugar.
Si Tano-an ay dinakip ng pinagsanib na operatiba ng Looc Municipal Police Station (lead unit) Romblon PIU at Romblon PMFC sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Agosto 2, 2024 ni Hon. Edwin B. Buffe, Executive Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon, sa kasong paglabag sa RA 11648 (Statutory Rape) sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3480 at OD-3481.
Walang rekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Ang hinuling lalaki ay dinala sa Looc MPS para sa kaukulang disposisyon at ihaharap sa nakasasakop na korte.
(Romblon Sun News Team)








Add Comment