Pasok sa listahan ng 2024 “The World’s 50 Best Beaches” ang Bonbon Beach na matatagpuan sa Barangay Lonos, Romblon, Romblon.
Ang Bonbon Beach ay nasa ika-45 na puwesto ng 2024 World 50 Best Beaches.
Itinuring ito ng mga travelers na isang paraiso kung saan ay hinangaan nila ang kakaiba at natural na pormasyon ng sandbar na abot hanggang sa isla ng Bangug na makikita pag mababa ang level ng dagat o lowtide.
Kanilang inilarawan ang Bonbon Beach na may mapuputi na pinong buhangin at malinaw ang tubig na nakakabighani at magandang paliguan.
Maliban sa Bonbon Beach ng Romblon, ay napili rin at ika-apat sa 2024 World 50 Best Beaches ang Entalula Beach na matatagpuan sa lalawigan ng Palawan.
Ang nakakapag-akit sa Entatula Beach ay ang nakamamangha nitong limestone cliff na nasisilbing entablado sa maputi nitong buhangin at malinaw na tubig dagat na patok sa mga divers.
Katulad ng Bonbon Beach ay bihira rin itong pasyalan ng mga turista.
Ang pagpili ay ginawad ng mga hurado na kinabibilangan ng mga Beach Ambassadors, mga propesyunal at indibidwal na manlalakbay at ng World’s 50 Beaches team na nag-ikot, at nagbisita ng mga tabing-dagat o beaches sa buong mundo.
“The idea for The World’s 50 Best Beaches was sparked by our genuine passion for the beach. As avid beach enthusiasts and travellers ourselves, we’ve had the privilege of experiencing countless beaches across the globe. Yet, amidst the vast array of stunning shorelines, we realized that discovering and experiencing truly exceptional beaches is far more difficult than it seems”, pahayag ng grupo sa kanilang blog.
Anila pa, “To ensure we deliver the most authoritative list of the world’s best beaches we have asked the world’s most well-traveled individuals for their votes. Over 1,000 travel professionals voted for this year’s list”.
Ang Tartulla Beach at ang Bonbon Beach ay parehong matatagpuan sa rehiyon ng MIMAROPA na kinabibilangan ng mga probinsya ng Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon at Palawan. (Tony Miñano Macalisang)







Add Comment