Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Sa bisa ng Search Warrant, baril at bala nakuha sa bahay ng army reservist sa Looc, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Sa bisa ng Search Warrant, baril at bala nakuha sa bahay ng army reservist sa Looc, Romblon

Sa bisa ng Search Warrant, baril at bala nakuha sa bahay ng army reservist sa Looc, Romblon

LOOC, Romblon – Isang baril na may kargang bala ang nakuha sa bahay ng army reservist pagkatapos na isagawa ang Search Warrant dakong umaga kahapon, Pebrero 18, 2024 sa Sitio Kawit, Barangay Camandag, Looc, Romblon.

Kinilala ang may-ari ng bahay na si Gerardo Nadal Francisco, 56 taong gulang, may-asawa, army reservist at residente ng Sitio Kawit, Barangay Camandag, Looc, Romblon.

Hinalughog ang bahay ng suspek ng mga tauhan ng CIDG, Romblon PFU sa pamumuno ni PMaj Dick A. Cale, kasama ang PIU, Romblon PPO Tracker Team, Looc MPS, at RID, PRO MIMAROPA sa bisa ng Search Warrant No. 39-2024 na inisyu noong Pebrero 15, 2024 ni Hon. Donna Borda Pascual, Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 81, Romblon, Romblon sa paglabag sa RA 10591.

Tumakas umano ang suspek na dumaan sa likuran ng kanilang bahay bago pa dumating ang mga awtoridad. Tanging ang anak nitong babae na nasa hustong gulang ang naiwan sa kanilang bahay.

Isinagawa ang search warrant sa presensya ng anak ng suspek at ni Barangay Kagawad Jerlyn G. Nadal ng Barangay Camandag, Looc, Romblon na nagsilbing ring testigo sa nasabing operasyon ng kapulisan.

Nakumpiska sa bahay ng suspek ang isang baril na kalibre .38 revolver na Smith & Wesson na walang serial number at limang (5) bala ng caliber .38 revolver na nakalagay sa nasabing baril.

Dinala sa CIDG Romblon PFU ang mga nakuhang ebidensya sa naturang operasyon para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment