Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Senior citizen at isa pang lalaki tiklo sa ilegal na tupada sa Odiongan, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Senior citizen at isa pang lalaki tiklo sa ilegal na tupada sa Odiongan, Romblon

Senior citizen at isa pang lalaki tiklo sa ilegal na tupada sa Odiongan, Romblon

ODIONGAN, Romblon – Huli sa akto ang dalawang lalaki sa ginawang pagsalakay sa ilegal na tupada kahapon ng umaga, Pebrero 18, 2024 sa Sitio Tabing-Ilog, Barangay Panique, Odiongan, Romblon.

Ang dalawang nadakip ay nakilala na sina Edmi Famorcan Ferriol, 64 taong gulang, may-asawa, vendor at residente ng nasabing barangay at si Reny Rafol Marrique, 42 anyos, may-asawa, walang trabaho at nakatira sa Barangay Libertad, Odiongan, Romblon.

Sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station, isang pinagsanib na anti-gambling operation ang ikinasa ng mga tauhan ng Odiongan MPS, kasama ang mga operatiba ng Romblon PPO-PIU at Romblon Provincial Mobile Force Company kung saan ay nagresulta sa pagkahuli sa mga suspek habang nasa aktong nagsagawa ng ilegal na aktibidad na tupada.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang dalawang buhay at dalawang patay na sasabunging manok, mga taring pansabong, mga iba’t-ibang kagamitan na ginagamit sa sabong katulad ng tali, tape, kahon at pera na ginamit na pangtaya na halagang P1,600.00.

Ang inarestong mga suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa himpilan ng Odiongan MPS para sa kaukulang disposisyon.

Kasong paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287  ang inihahandang isampa ng Odiongan MPS sa Provincial Prosecutor’s Office laban sa mga suspek. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment