Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
MAYOR RAMOS SUPORTADO ANG PAGPAPIRMA PARA SA PAGBABAGO NG KONSTITUSYON - Romblon Sun
Home » Blog » MAYOR RAMOS SUPORTADO ANG PAGPAPIRMA PARA SA PAGBABAGO NG KONSTITUSYON

MAYOR RAMOS SUPORTADO ANG PAGPAPIRMA PARA SA PAGBABAGO NG KONSTITUSYON

CAJIDIOCAN, Romblon – Ipinaalam ni Cajidiocan Mayor Greggy Ramos sa kanyang FB account na Yorme Greggy Ramos, kung saan ay naka post, na ang kanyang pagpangalap ng pirma ay isang hakbang na pagsuporta sa Kongreso para sa pagbabago ng Konstitusyon ng Pilipinas.

“Ang pagpapapirma po natin ay suporta po natin sa hakbang ng Kongreso na pag-isahin ang mga Congressman at Senador sa pag determina ng 3/4 votes para mabigyan ng pagkakataon na mabago ang Konstitusyon,” ayon kay Mayor Ramos.

Aniya, nakapangalap na umano sila ng 3,500 na pirma na tama na para sa 3,000 na lagda na kinakailangan nila.

“As of now naka 3,500 more than enough po na kailangan po natin na 3,000 signatures. We are pushing it to reach 4,000-4,500 signatures,” ayon kay Mayor Greggy.

Ayon pa kay Mayor Ramos, napapanahon na umanong baguhin ang mga provision ng 1987 Constitution na 38 years old na.

Aniya pa, ang 1987 Constitution ay ginawa pagkatapos ng Martial Law at karamihan umanong mga provision dito ay nakatutok sa post martial law era.

“36 years old na ang ating Constitution, marami na ang nabago dahil sa takbo ng mundo at modernization. Napag-iwanan na ang Pilipinas,” ayon kay Mayor Greggy.

Sa pagbabago ng Constitution sinabi ni Mayor Ramos na may pagkakataon na umanong mapalakas ang kapangyarihan at estado ng mga maliliit na bayan at probinsya katulad ng Romblon.

“Masyadong naka sentro sa National Government ang kapangyarihan ng 1987 Constitution. Palakasin natin ang kapangyarihan ng mga LGU at ng mga barangay na sila ang nasa laylayan at dapat mabigyan ng pansin,” ayon kay Mayor Greggy.

Pahayag pa ni Mayor Ramos, napapanahon na umano para buksan muli ang usapin ng charter change. At kanyang pinapanawagan na suportahan ang nasabing hakbang. (Romblon Sun Staff)

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment