ODIONGAN, Romblon – Kinaladkad ng halos dalawang (2) metro matapos masagi ng motorsiklo ang isang naglalakad na estudyante sa General Luna Street, Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon dakong 8:50 ng gabi ng Pebrero 6, 2024.
Ang biktima ay nakilala na si John Alexis Mangao Mediado, 22 anyos, binata, estudyante at resident ng Barangay Victoria, San Andres, Romblon, habang hindi pa nakilala ang suspek.
Base sa ulat ng Odiongan Municipal Poice Station, naglalakad umano ang biktima sa tabi ng kalsada papunta sa kanyang boarding house at pagsapit sa tapat ng Seventh Day Adventist Church kung saan ay isang hindi pa batid na modelo ng motorsiko na minamaneho ng suspek ay aksidenteng nasagi ang biktima at nakaladkad pa ito ng halos dalawang metro.
Ang hindi pa nakilalang suspek ay mabilis umanong tumakas sa hindi batid na direksyon pagkataos ng nasabing insidente.
Nagtamo naman ng mga sugat at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na dinala sa Romblon Provincial Hospital ng nagrespondeng mga tauhan ng Odiongan MPS.
Agad namang nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang kapulisan para sa pagkakakilanlan at pag-aresto sa naturang suspek. (TMM)







Add Comment