Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Dating Governor Firmalo pinarangalan ng Phil. Society of Maternal Fetal Medicine - Romblon Sun
Home » Blog » Dating Governor Firmalo pinarangalan ng Phil. Society of Maternal Fetal Medicine

Dating Governor Firmalo pinarangalan ng Phil. Society of Maternal Fetal Medicine

QUEZON City – Tumanggap ng parangal si dating Romblon Governor Dr. Eduardo C. Firmalo mula sa Philippine Society of Maternal Fetal Medicine, Inc. noong Nobyembre 29, 2023 na idinaos sa Novotel, Cubao, Quezon City.

Si Dr. Firmalo ay pinagkalooban ng prestihiyosong Magnus Medicus et Magister award bilang pagkilala sa kanyang naibahaging kaalaman sa pagpaunlad ng Maternal Fetal Medicine sa Pilipinas.

Naglingkod si Dr. Firmalo bilang Pangulo ng Philippine Society of Maternal Fetal Medicine mula 2000 hanggang 2002, kung saan ay kabilang siya sa nagtaguyod upang lalong maitaas ang antas sa pangangalaga sa kalusugan ng ina at pangsanggol.

Marami naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa dating kongresista at gobernador ng Romblon lalo na ang kanyang mga natulungan noong aktibo pa ito sa panggagamot at maging noong naihalal na mamuno sa lalawigan ng Romblon.

Maalaala na si Dr. Firmalo ay nanalo at naging kinatawan ng Probinsya ng Romblon sa Kongreso noong 2004-2007, at naging Gobernador ng Romblon noong taong 2010 hanggang 2019. (Tony Miñano Macalisang

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment