Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
4 katao, kabilang ang isang senior citizen at dalawang menor de edad timbog sa ilegal na tupada sa Odiongan, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » 4 katao, kabilang ang isang senior citizen at dalawang menor de edad timbog sa ilegal na tupada sa Odiongan, Romblon

4 katao, kabilang ang isang senior citizen at dalawang menor de edad timbog sa ilegal na tupada sa Odiongan, Romblon

 

ODIONGAN, Romblon – Huli sa akto ang apat na suspek sa ilegal na tupada dakong 4:00 ng hapon, kahapon, Disyembre 10, 2023 sa Sitio Baylan, Barangay Rizal, Odiongan, Romblon.

Ang mga suspek ay kinilala ng Odiongan Municipal Police Station na sina Elmor Familara Dela Vega, 62 taong gulang, balo, magsasaka at residente ng Sitio Ilaya, Barangay Rizal, Odiongan, Romblon; Barreto Lonzagay Galindez, 43 taong gulang, may-asawa, magsasaka at nakatira sa Sitio Centro, Barangay Rizal, Odiongan, Romblon at dalawang menor de edad na kapwa residente ng nasabing barangay.

Ayon sa Odiongan MPS nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na mayroon umanong isinasagawang ilegal na tupada sa nasabing lugar kung kaya’t agad nilang ikinasa ang isang pinagsamang operasyon na kinabibilangan ng mga tauhan ng Odiongan MPS (lead unit), RIU, PIU-Romblon PPO at Romblon Provincial Mobile Force Company at kanilang naaktuhan ang mga suspek habang nagsasagawa ng ilegal na tupad na may pustahan sa Sitio Baylan, Barangay Rizal, Odiongan, Romblon.

Nakumpisa sa mga suspek ang mga gambling paraphernalia kabilang ang mga sumusunod; dalawang buhay na sasabunging manok, pera na nagkahahalaga ng P1,800.00, dalawang tari, isang pirasong tape, isang pirasong sinulid, iba’t-ibang kulay ng cloth tape, at dalawang bayong na lalagyan ng manok.

Ang mga inarestong suspek at mga nakumpiskang gambling paraphernalia ay isinailalim sa kustodiya ng Odiongan MPS para sa kaukulang disposisyon. Habang ang dalawang menor de edad na suspek ay ikinatiwala sa MSWDO ng Odiongan, Romblon.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 449 as Amended by PD 1602 na inihahanda ng Odiongan MPS na isampa sa Provincial Prosecutor Office laban sa mga suspek. (AMM)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment