Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Odiongan LGU pinarangalan ng "Green Banner Seal of Compliance" para sa programang nutrisyon - Romblon Sun
Home » Blog » Odiongan LGU pinarangalan ng “Green Banner Seal of Compliance” para sa programang nutrisyon

Odiongan LGU pinarangalan ng “Green Banner Seal of Compliance” para sa programang nutrisyon

Isang karangalan ang natanggap ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Odiongan sa ginanap na 2023 Regional Nutrition Awarding Ceremony ng National Nutrition Council MIMAROPA Region na idinaos sa Swiss-Belhotel Bluelane, sa siyudad ng Manila kamakailan.

Ang bayan ng Odiongan ay ginawaran ng “Green Banner Seal of Compliance Award” bilang kinikilala na namumukod tangi sa kanyang epektibong pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa lalawigan ng Romblon.

Kasama rin sa kinilala at binigyan ng parangal si Ginoong Nijel G. David, Municipal Nutrition Action Officer, na itinanghal na 1st Runner Up sa Search for 2023 Outstanding City/Municipal Nutrition Action Officer.

Iginawad naman ang 2nd Runner Up kay BNS Mary Ann Fabro ng Barangay Tulay, Odiongan, Romblon sa Search for 2023 Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar.

Tinanggap ni Sangguniang Bayan member  Kit Firmalo at MPDC Alexander Foja na tumayong mga kinatawan ni Mayor Trina Firmalo – Fabic ang nakuhang parangal para sa LGU Odiongan. (AMM)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment