CORCUERA, Romblon – Natagpuang may tali sa leeg at nakabitin sa loob ng kanilang bahay ang isang binata kaninang 6:30 ng umaga, Nobyembre 16, 2023 sa Barangay San Agustin, Corcuera, Romblon.
Ang biktima ay nakilalang si “Romy”, 53 taong gulang, binata, walang trabaho at residente ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ng Corcuera Municipal Police Station, habang nagpapakain umano ng kanyang alagang mga manok ang kapitbahay ng biktima na si Divino Fruelda, Barangay Kagawad ng Barangay San Agustin, Corcuera, Romblon na limang metro ang layo sa bahay ng biktima, ay nakita umano nito ang biktima na nakabitin at may nakapulupot na lubid sa leeg na nakatali sa “bamboo trusses” sa loob ng bahay ng biktima.
Agad umano itong humingi ng tulong sa ina ng binata at kanilang isinugod sa Malipayon District Hospital ang biktima na idineklarang “dead on arrival” (DOA) ng sumuri na manggagamot.
Sa dagdag na ulat ng Corcuera MPS, bago pa man ang nangyari ang nasabing insidente ay napag-alaman na tatlong beses na umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima kung saan ay nakaranas umano ito ng matinding depresyon. (AMM)







Add Comment