Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Biseklita ng mga misyonaryo sa Odiongan ninakaw sa apartment - Romblon Sun
Home » Blog » Biseklita ng mga misyonaryo sa Odiongan ninakaw sa apartment

Biseklita ng mga misyonaryo sa Odiongan ninakaw sa apartment

ODIONGAN, Romblon – Dumulog sa pulisya ang tatlong misyonaryo para ireklamo ang pagkawala ng kanilang biseklita noong umaga ng Oktubre 3 sa tinutuluyang apartment sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.

Ang mga biktima ay kinilala ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) na sina Ethan Jaynes Hubbard, 20 taong gulang, binata; Kenny Jay Ortega, 21, binata, at Mamerto Doroy Uriarte, 22, pawang mga Misyonaryo ng Church of Jesus Christ of Latter-day Saints at residente ng Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon, habang hindi pa nakilala ang mga suspek na tumangay sa mga biseklita.

Ayon sa Odiongan MPS, personal umanong pumunta ang mga biktima sa kanilang himpilan noong umaga ng Oktubre 4 upang ipaalam ang pagkawala ng kanilang ginagamit na service na mga biseklita na tinatayang nagkakahalaga ng P45,000.00 sa tinutuluyang apartment sa Tandang Sora St., Corner Firmalo Boulevard, Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.

Sinubukan rin umanong hanapin ng mga biktima ang kanilang biseklita ngunit bigo rin ang mga ito. Kumbisido ang mga biktima na ninakaw ang kanilang biseklita ng hindi pa nakilalang mga suspek na dumaan sa main gate ng tinutuluyang nilang apartment sa nasabing barangay.

Umaksyon naman ang mga tauhan ng Odiongan MPS at nagsagawa ng imbestigasyon sa pagkakikilanlan ng mga suspek at nakipagkoordinasyon sa mga malapit na establisimento para sa posibleng pagkakuha ng mga bidyo sa kanilang mga CCTV. (AMMacalisang)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment