Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
PAGKAMATAY NG MGA BABOY SA ISLA NG SIBUYAN NAGBIBIGAY PANGAMBA SA IBANG MAGBABABOY SA LALAWIGAN NG ROMBLON - Romblon Sun
Home » Blog » PAGKAMATAY NG MGA BABOY SA ISLA NG SIBUYAN NAGBIBIGAY PANGAMBA SA IBANG MAGBABABOY SA LALAWIGAN NG ROMBLON

PAGKAMATAY NG MGA BABOY SA ISLA NG SIBUYAN NAGBIBIGAY PANGAMBA SA IBANG MAGBABABOY SA LALAWIGAN NG ROMBLON

Nitong huling linggo ng Setyembre ay unang napabalita ang pagkamatay ng mga baboy sa bayan ng San Fernando, Romblon. Marami tayong na-interview na ginawa mismo sa mga tauhan ng municipal agriculture office ng nasabing bayan at pinabulaanan ang kumalat na mga balita at sinasabing tsismis lang umano ito. Subalit nagpalabas ng executive order ang kanilang Local Chief Executive and the Mayor confirmed that indeed there are cases of death of hogs in her area of responsibility kaya naalarma ang mga magbababoy. Kalaunan ay may napabalita rin na may namamatay ding mga baboy sa bayan ng San Jose sa Isla de Carabao.

At agarang ngang umaksyon ang Office of the Provincial Veterinarain at nagsagawa ng imbestigasyon ang kanilang mga tauhan kung saan ay nagkaroon ng blood sample collection at ipadala sa Bureau of Animal Industry (BAI) hanggang sa nagkaroon ng confirmatory laboratory analysis. At totoo, na ayon sa resulta ay may kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng San Fernando, Romblon. Pero sa bayan ng San Jose, Romblon ay negatibo ang resulta na ibig sabihin ay walang nakitaang may African Swine Fever ang mga baboy sa San Jose, Romblon. Gayon pa man, mungkahi natin na ipagpatuloy ang blood sample gathering para magkaroon ng further confirmation on the absence or presence of infection in these areas.

Kaya nga, ang payo natin sa mga taga agriculture office ng San Fernando na gumawa ng malalim na imbestigasyon at mag karoon ng back tracing doon sa lugar na pinangyarihan ng unang kaso ng pagkamatay ng baboy. Para malaman talaga ang pinagmulan ng kasong ito ng ASF sa nasabing bayan.

Dahil dito ay naging alerto din at maagap ang ating butihing Punong Bayan ng Odiongan, Mayor Trina Firmalo-Fabic na nagpalabas din ng Executive Order No. 09-001 dated September 28, 2023 na ipinagbabawal ang pag biyahe ng mga baboy, karne at iba pang produktong kauri nito galing sa bayan ng San Fernando, Cajidiocan at San Jose, Romblon na ibiyahe papunta ng Odiongan at upang makontrol din ang animal movement ng mga baboy galing sa ibang lugar papasok ng bayan ng Odiongan, Romblon.

Sana ganito lahat ng Local government Unit sa ating probinsiya . Mismong ang Gobernador ang dapat mag isyu ng malawakang alerto sa nangyayaring ito para hindi naman magulo ang payapang pamumuhay ng ating mag-aalaga ng baboy. Gumawa na din siguro ng Executive Order ang ating gobernador pero sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na impormasyon ang media tungkol dito.

Tayo naman bilang ordinaryong mamamayan na matalagal ng nasa larangan ng pagbababuyan ay nakahanda palaging magbigay ng gabay sa ating mga magbababoy sa kasalukuyang situwasyon at mga paghahanda at pag-iwas sa sakit na ito. Malaking banta ito sa sektor ng umaarangkadang negosyo ng pagbababuyan na ayon sa datos ay sobra sobra ang produksyon dito sa lalawigan ng Romblon kaya bumabagsak ang presyo. Pero kung ito ay tatamaan ng ASF ay wipe out itong sobra-sobrang populasyon ng ating mga baboy.

Kaya, ang ating unsolicited advice ay pigilan muna ang pagbibiyahe ng mga baboy mula sa ibang bayan papasok sa bayan ng Odiongan at ang mga baboy na lang muna dito sa bayan ng Odiongan ang pagtuunang katayin ng mga magkakarne. Sa gayon ay walang movement ng mga baboy mula sa ibang  bayan papasok ng Odiongan. Kaya mapipigilan ang kontaminasyon ng sakit. Or ipagbawal din sa tatlong bayan ng Sibuyan ang pagpapalabas ng buhay na baboy sa ibang bayan sa labas ng isla ng Sibuyan para makontrol doon pa lang sa Sibuyan ang paglaganap ng ASF.

Ganoon din, mungkahi  natin na gumawa ng mga tarpaulin bill boards sa mga pantalan, maliit man o malaking mga daungan sa lahat ng port of entries sa buong lalawigan ng Romblon na mahigpit na nagbabawal ang pagbiyahe ng baboy at mga produktong karne ng baboy papasok sa lalawigan ng Romblon. Magpaskil din ng ganitong mga bill boards sa mga boundaries ng mga bayan para maging alerto ang ating mga mamamayan tungkol sa banta ng sakit na ASF. Napansin ko kasi may mga pantalan na wala man lang paalalang ganito. Kung mayron man akong nakikita ay gula-gulanit na o yong iba ay kupas na ang pintura at hindi na gaanong napapansin. Maglagay na ulit ng mga Footh Bath sa mga kritikal na daungan para masawata talaga ang paglaganap ng sakit na ito. Panawagan din natin sa mga mamayan, huwag naman kayong magdala pa ng karne galing sa ibang siyudad papasok ng Romblon. Lalo na doon sa mga biyahero at negosyante na pilit na nagpapasok ng mga produktong karne ng baboy para lang kumita.

May iba diyan na  ikinakarga sa mga trucking dahil hindi dumadaan sa extray machine kaya nakakalusot at hindi nahuhuli. Maawa naman kayo sa ating mga kababayan na nagpipilit na magalaga at magnegosyo ng baboy para pagkikitaan at mabuhay ang pamilya.

Sana mabasa ninyo itong kulom ko. Dasal lang tayo na sana  ay huwag lumaganap ang sakit na ASF sa iba pang bayan dito sa ating lalawigan ng Romblon. (Jun F. Fiedacan)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment