Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Bakunahan kontra Covid-19, nagpapatuloy sa Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Bakunahan kontra Covid-19, nagpapatuloy sa Romblon

Bakunahan kontra Covid-19, nagpapatuloy sa Romblon

Tuloy-tuloy ang ginagawang kampanya ng mga medical frontliners sa probinsya ng Romblon para mas mapataas pa ang vaccination coverage sa lalawigan kontra sa coronavirus disease 2019 o Covid-19.

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Tuloy-tuloy ang ginagawang kampanya ng mga medical frontliners sa probinsya ng Romblon para mas mapataas pa ang vaccination coverage sa lalawigan kontra sa coronavirus disease 2019 o Covid-19.

Sa bayan ng San Fernando, isang medical mission ang isinagawa nitong September 19 ang Provincial Health Office katuwang ang Department of Health at ang Rural Health Unit ng bayan.

Dala-dala ng mga tauhan ng PHO ang mga bakuna laban sa Covid-19 at ang dental bus. Namigay rin sila ng mga libreng gamot para sa mga nangangailangan.

Dahil sa pagsama-samang paghihingkayat ng mga tauhang pangmedikal, BHW, at iba pa, nakapag bakuna rito ng 258 na mga dose ng Covid-19 vaccines.

Sa isang facebook post, sinabi ng PHO na ito na ang pinakamaatas na vaccination accomplishment ng munisipyo mula ng ilunsad ang kampanya ng PINASLAKAS.

Ang Pinaslakas COVID-19 vaccination campaign ng pamahalaan programang naglalayong maturukan ang mga Pilipino ng primary series ng booster dose laban sa Covid-19.(PJF/PIA Mimaropa)

 

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment