Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Halos 4K magsasaka sa Romblon, tumanggap ng ayuda mula sa DA - Romblon Sun
Home » Blog » Halos 4K magsasaka sa Romblon, tumanggap ng ayuda mula sa DA

Halos 4K magsasaka sa Romblon, tumanggap ng ayuda mula sa DA

May halos 4,000 na magsasaka sa probinsya ng Romblon ang nakatanggap ng cash subsidy mula sa Department of Agriculture (DA)– Mimaropa bilang augmentation sa kanilang pangangailangan ngayong may pandemya.

Ayon sa DA-Mimaropa, aabot sa P19.610 milyon ang perang inilaan nila para sa 14 na bayan sa probinsya.

Nagsimula ang pamamahagi sa ilang bayan noong Enero 25, at matatapos naman sa Enero 28.

Sa bayan ng Odiongan, nagsimula ang pamamahagi ng cash subsidy noong Enero 26.

Batay sa datos ng Department of Agriculture, ito ang bayan na may pinakamaraming magsasaka, o 866 magsasaka, na mabibigyan ng cash subsidy. (PJF/PIA Mimaropa)

 

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment