Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Mga Laptop tinanggap ng LGU Santa Maria mula sa DICT - Romblon Sun
Home » Blog » Mga Laptop tinanggap ng LGU Santa Maria mula sa DICT

Mga Laptop tinanggap ng LGU Santa Maria mula sa DICT

Dalawampung bagong Laptop ang natanggap ng lokal na pamahalaan ng Santa Maria, Romblon mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) kamakailan bilang bahagi ng Cybersafe Learning for Education Project ng ahensya.

Dalawampung bagong Laptop ang natanggap ng lokal na pamahalaan ng Santa Maria, Romblon mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) kamakailan bilang bahagi ng Cybersafe Learning for Education Project ng ahensya.

Ayon kay Santa Maria Vice Mayor Dennis Corpin, malaking bagay ito para sa kanilang lokalidad upang mas maging ‘digitally empowered’ ang kanilang bayan.

Ang mga nasabing laptop ay ipapamahagi sa iba’t ibang departamento ng munisipyo, sa dalawang national high school sa bayan, at sa ilang Barangay Nutrition Scholar at Barangay Health Workers sa mga barangay.

Sa isang mensahe nito, nagpasalamat si Corpin sa DICT dahil sa pagtanggap sa lokal na pamahalaan ng Santa Maria na makasama sa nasabing proyekto.

Ang Cybersafe Learning for Education Project ay isang component ng DICT’s Digital Education Program (DEP) na naglalayong mas magamit ang ICT sa pagpapaunlad ng cyber-education at pag-promote sa digital literacy. (PJF/PIA Mimaropa)

 

Tags

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment