Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Suspek sa pagpaslang sa helper sa farm, tiklo sa Santa Fe - Romblon Sun
Home » Blog » Suspek sa pagpaslang sa helper sa farm, tiklo sa Santa Fe

Suspek sa pagpaslang sa helper sa farm, tiklo sa Santa Fe

SANTA FE, Romblon – Sa ginawang hot pursuit operation ng kapulisan, nahuli na ang suspek na sumaksak sa isang helper sa Amihan Farm sa pantalan ng Santa Fe, Romblon dakong 11:30 ng umaga ng Disyembre 13, 2021.

Ang suspek na nakilalang si Gander Gunaca Biliran, 31 gulang, ay napag-alamang nakasakay na sa pumpboat na aalis papunta sa Caticlan Port noong ito ay inaresto ng mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station sa koordinasyon ng Santa Fe Coast Guard Station.

Ang nasabing suspek ay itinimbre nang Odiongan Municipal Police Station sa lahat na estasyon ng pulisya noong gabi na mangyari ang krimen sa pagpaslang sa biktimang si Agustin Tomaquin na kasamahan ng suspek sa Amihan Farm sa Barangay Bangon, Odiongan, Romblon.

Dinala si Biliran at ang motorsiklong ginamit nito sa pagtakas sa Santa Fe MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Odiongan MPS ang suspek at inihahanda na ang kasong murder na isasampa ng Odiongan MPS sa Provincial Prosecutors Office laban sa suspek. (RSun Staff)

 

Tags

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment