Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaki na namamahala sa isang forwarder sa Odiongan, binaril - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaki na namamahala sa isang forwarder sa Odiongan, binaril

Lalaki na namamahala sa isang forwarder sa Odiongan, binaril

Isang lalaking namamahala sa isang trucking ang binaril kaninang umaga, Disyembre 2, sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.

ODIONGAN, Romblon – Isang lalaking namamahala sa isang trucking ang binaril kaninang umaga, Disyembre 2, sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.

Kinilala ang lalaki na si Vicente Martisa Mayuga, 48 taong gulang, namamahala sa Tablas Forwarder at residente ng Barangay Liwayway, Odiongan, Romblon habang ang itinuturong suspek ay kinilala na si Marcial Lota Carandang, nasa hustong at nakatira sa Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon.

Ayon sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), ang biktima at limang kasama nito ay nag-uusap malapit sa bahay ni Ginoong Jake Moaje sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon kung saan ay dumating ang suspek na may dala-dalang mahabang PVC na ginamit nito sa pagpitas ng bunga ng mangga na pag-aari umano ng biktima. Sinabihan umano ng biktima ang suspek na tigilan ang kanyang ginagawang panunungkit ng bunga ng mangga ngunit bumunot umano ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang suspek at pinutukan ang biktima na masuwerteng hindi tinamaan. Dahil sa bingit ng panganib ay tumakbo ang biktima sa loob ng opisina ng Tablas Forwarder upang maiwasan ang suspek.

Agad namang pumunta ang biktima sa himpilan ng Odiongan MPS upang ireport ang naturang pangyayari. At sa pangunguna ni PSSg Richard Elisan ng Odiongan MPS ay kanilang pinuntahan ang nasabing lugar at narekober dito ang isang depormadong “slug” mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Ikinasa naman ng Odiongan MPS ang isang hot pursuit operation para sa agarang pag-aresto sa suspek.

Napag-alaman pa ng pulisya na ang biktima at suspek ay may dati nang hidwaan.

Kasong attempted murder ang inihahanda ng OMPS na isasampa sa Provincial Prosecutors Office laban sa nasabing suspek. (Romblon Sun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment