Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Santa Maria LGU, tuloy ang paghikayat sa publiko na magpabakuna - Romblon Sun
Home » Blog » Santa Maria LGU, tuloy ang paghikayat sa publiko na magpabakuna

Santa Maria LGU, tuloy ang paghikayat sa publiko na magpabakuna

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Tuloy-tuloy pa rin ang bakunahan sa bayan ng Santa Maria sa Romblon upang maabot ng bayan ang herd immunity laban sa Coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Isa ang bayan ng Santa Maria sa may mababang datos sa lalawigan pagdating sa Resbakuna ng pamahalaan.

Batay sa talaan ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, may 22% lamang ng 1,231 ng senior citizen sa bayan ang fully vaccinated habang 49% na ng 420 ng mga may comorbidities ang fully vaccinated.

Sa mga kasama naman sa A4, 268 lamang ng 1,488 na mga manggagawa ang fully vaccinated.

Ayon kay Mayor Lorilie Fabon, nakakaapekto sa desisyong magpabakuna ng publiko ang mga pekeng impormasyon o fake news mula sa social media kaya gumagawa na sila ng mga paraan upang masugpo ito.

Nakikipagtulungan na rin sila sa mga barangay officials at sa Rural Health Unit para sa mainam na information drive kaugnay sa Covid-19 vaccines.

Hihilingin niya rin sa RHU na magbakuna kahit Sabado at Linggo para mas mabilis na maabot ng bayan ang inaasam nitong Herd Immunity. (PJF/PIA Mimaropa)

 

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment