Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
200 printers, tinanggap ng DepEd Romblon mula sa Prov’l Gov’t - Romblon Sun
Home » Blog » 200 printers, tinanggap ng DepEd Romblon mula sa Prov’l Gov’t

200 printers, tinanggap ng DepEd Romblon mula sa Prov’l Gov’t

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Aabot sa 200 unit ng printer machine ang tinanggap ng Department of Education (DepEd) – Romblon mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon sa DepEd Romblon, pormal nila itong tinanggap noong ika-2 ng Nobyembre kasama ang limang unit ng risograph machines.

Ipapamahagi ng Deped-Romblon ang mga ito sa piling paaralan sa Tablas, Sibuyan, at Romblon upang magamit ng mga guro para sa pag-aaral ng mga batang estudyante sa probinsya.

Mayroon ding mga hygiene kits tulad ng alcohol, nebulizer kit, at sanitary equipment na ipamamahagi mula sa provincial SEF kasabay ng pagbigay ng mga printing equipment na ito.

Sa nasabing turn-over ceremony na dinaluhan mismo ni Governor Jose Riano, napag-usapan rin ang pagkakaroon ng face-to-face classes sa Dibisyon ng Romblon sa susunod na taon.

Ayon kay Gob. Riano, bukas ang kanyang opisina sa anumang tulong na kakailanganin ng DepEd Romblon upang maisigurong ligtas ang pagbabalik eskwela ng kabataan.

Lubos din ang kanyang pasasalamat sa mga guro na hindi napapagod at nagsasawang magbigay ng dekalidad na edukasyon sa lahat ng mag-aaral sa Romblon anuman ang ating ikinahaharap.

Ayon sa DepEd-Romblon, malaking tulong ang mga printers at risograph machine na ito upang mapabilis ang reproduction ng self-learning materials na lubos na kailangan sa pagpapatuloy ng edukasyon sa new normal. (PJF/PIA Mimaropa)

 

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment