Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
LGU Odiongan nag-organisa ng online sign language training - Romblon Sun
Home » Blog » LGU Odiongan nag-organisa ng online sign language training

LGU Odiongan nag-organisa ng online sign language training

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Ang lokal na pamahalaan ng Odiongan, sa pakikipagtulungan ng Persons With Disability Affairs’ Office at Hand and Heart, ay nag-organisa kamakailan ng pagsasanay patungkol sa basic sign language.

Layunin nito na maturuan ng mga basic na sign language ang ilang mga may kapansanan sa pakikipag-usap kasama ang kanilang magulang na magkaroon ng pamamaraan para mas mabilis silang makapag-usap.

Naging layunin rin rito ang makapagbigay ng kaalaman rin sa mga opisina para sa pag-responde kapag nagkaroon ng kaso ng violence o emergency, na posibleng pagdulog ng ating mga taong may Deaf and Speech Disability.

Maliban sa kanila, dumalo rin sa virtual training na ito na nagsimula noong Oktubre 21 ang mga guro ng Special Education (SPED) ng Odiongan National High School, Odiongan North Central Elementary School at Odiongan South Central Elemenntary School.

Kasama rin rito ang ilang empleyado ng Municipal Trial Court, Municipal Police Station, Public Information Office, Rural Health Unit at mga Child Development Workers.

Ang nasabing gawain ay pinondohan gamit ang PDAO Fund at Special Education Fund (SEF).

Magtatagal ito ng 12 araw. (PJF/PIA Mimaropa)

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment