Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Pagbabakuna kontra Covid-19 sa mga bata sa Romblon, nagsimula na - Romblon Sun
Home » Blog » Pagbabakuna kontra Covid-19 sa mga bata sa Romblon, nagsimula na

Pagbabakuna kontra Covid-19 sa mga bata sa Romblon, nagsimula na

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Nagsimula na noong Oktubre 29 ang pagbabakuna sa mga kabataang edad 12-17 sa probinsya ng Romblon laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ang ceremonial roll-out ay isinagawa sa Romblon Provincial Hospital sa Odiongan at sa Ramon Magsaysay Park sa Romblon, Romblon.

Sa bakunahan sa Romblon, Romblon na pinangunahan ng Romblon District Hospital, may aabot sa 120 kabataan ang target nila mabakunahan sa nabanggit na petsa.

Ito ay may mga commorbidities katulad ng obesity, asthma at iba pa.

Bago ang bakunahan, nagkaroon muna ng maikling programa bago ang roll-out na pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Lizette F. Mortel.

Samantala, nagbigay rin ng mga school bags at school supplies ang isang pribadong organisasyon sa pakikipagtulungan ng Romblon Police Provincial Office sa 50 kabataang unang nabakunahan.

Ang schedule ng Vaccination Roll-Out sa mga kabataan na na screen na pero walang commorbidities ay sa Nobyembre 5. (PJF/PIA Mimaropa)

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment