ODIONGAN, Romblon (PIA) — Aabot sa 121 na estudyante ng Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon ang nabakunahan nitong Oktubre 29 sa ginanap na Romblon State Unviversity (RSU) Resbakuna Marathon.
Samantala, may 15 na faculty rin at pito na mga kasama nila ang nabakunahan rin sa bakunahang inorganisa ng RSU, Provincial Health Office at LGU Odiongan.
Nauna nang sinabi ni Dr. Merian Mani, presidente ng RSU, na layunin ng pamantasan na mabakunahan ang 70% ng 17,287 na estudyante nila para muling makabalik sa face to face (F2F) classes.
Kailangan rin aniyang mabakunahan ang 100% ng 823 faculty and non-teaching staff ng pamantasan para payagan sila ng Commission on Higher Education (CHED).
Ang Resbakuna Marathon ay inaasahng iikot sa iba’t ibang campus ng Romblon State University sa buong lalawigan. (PJF/PIA Mimaropa)







Add Comment