Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaking nagwala patay matapos mabaril ng pulis na kanyang tinaga - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaking nagwala patay matapos mabaril ng pulis na kanyang tinaga

Lalaking nagwala patay matapos mabaril ng pulis na kanyang tinaga

ODIONGAN, Romblon – Patay ang isang nagwawalang lalaki matapos na mabaril ng nagresponding pulis na kanyang tinaga kaninang 7:00 ng umaga, Oktubre, 25, sa Sitio Pinaypayan, Barangay Taboboan, Odiongan, Romblon.

Kinilala ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) ang lalaki na si Erdel Fernando Dalisay, 41 taong gulang, may-asawa, tricycle driver at residente ng Sitio Ambuyong, Barangay Taboboan, Odiongan, Romblon habang ang pulis ay nakilala na si Police Executive Master Sergeant Eugene Antonio Cipriano, 49, may-asawa, miyembro ng PNP na kasalukuyang nakadestino sa Odiongan MPS at nakatira sa Barangay Ligaya, Odiongan, Romblon.

Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan MPS dakong 5:30 ng umaga naturang araw ay nakatanggap umano ng tawag ang kanilang estasyon mula kay Barangay Kagawad Jovic Siscar Fabula tungkol sa lalaking may bitbit na itak na nagwawala at nanggugulo umano sa kanilang lugar na si Bitoy Dalisay.

Dahil dito, pinaresponde ng Odiongan MPS ang apat nilang tauhan na pinamunuan ni PEMS Cipriano sa naturang lugar kung saan ay nadatnan ng mga pulis si Dalisay na mag hawak na gulok na agad namang nilapitan ni PEMS Cipriano upang kausapin at pakalmahin ngunit agad umanong inundayan ng taga ni Dalisay ang pulis na tinamaan sa kaliwang bahagi ng kamay at patuloy umano nitong sinusugod ang pulis na nakaramdam ng panganib sa kanyang buhay kung kaya’t binunot nito ang kanyang service firearm at pinaputukan ang nag-aamok na lalaki.

Agad namang isinugod si Dalisay sa Romblon Provincial Hospital sakay ng Police Patrol car habang isinakay naman si PEMS Cipriano sa motorsiklo upang dalhin sa parehong pagamutan. (Romblon Sun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment