Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Assistance desks ilalatag ng Romblon PNP sa mga sementeryo - Romblon Sun
Home » Blog » Assistance desks ilalatag ng Romblon PNP sa mga sementeryo

Assistance desks ilalatag ng Romblon PNP sa mga sementeryo

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Maglalatag ng mga assistance desk ang iba’t ibang Municipal Police Station (MPS) sa iba’t ibang sementeryo sa probinsya ngayong Undas upang masigurong naipatutupad ang minimum public health standards sa mga bibisita dito bago ang Nobyembre 1 at 2.

Sa panayam nitong Oktubre 26 kay Romblon Police Provincial Office Director Col. Christopher Abecia, sinabi nitong simula bukas o sa Huwebes ay maglalatag na sila ng mga assistance desks.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang mga MPS sa mga force multiplier ng PNP para maging katuwang nila sa pagbabantay sa mga sementeryo ngayong Undas.

Sinabi rin ng hepe ng Romblon PPO na naka-full alert ang buong kapulisan para masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa pag-obserba ng mga Romblomanon dito.

“Lahat ng munisipyo natin, pina-alerto natin yung mga kapulisan natin. Naka-full alert tayo bago at matapos ang Undas,” pahayag ni Col. Abecia.

Paalala ni Col. Abecia sa publiko na bibisita sa mga sementero na sundin pa rin ang minimum health standards at ang ilang paalala ng PNP katulad ng pagbabawal magdala ng mga patalim at ng mga alak, at ang pagbabawal sa pagsusugal.

“Katulad ng nakaraang taon, sana maging peacefull ‘yung pagdaraos natin ng Todos los Santos,” ayon kay Col. Abecia. (PJF/PIA Mimaropa)

Tags

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment