PONTEVEDRA, Capiz – Timbog sa kapulisan ang isang lalaki na top most wanted person sa lalawigan ng Romblon dakong 9:00 ng umaga ng Pebrero 17, 2024 sa Barangay Binuntucan, Pontevedra, Capiz.
Ang lalaki ay kinilala na si Rex Lucas Menes, 43 taong gulang, may kinakasama, magsasaka, at residente ng Balogo, Calatrava, Romblon.
Si Menes na sinasabing nangunguna bilang most wanted person ng bayan ng San Andres at maging sa lalawigan ng Romblon ay dinakip ng pinagsanib na operatiba ng tracker team ng CIDG Romblon PFU (lead unit) katuwang ang Romblon PIU tracker team, Calatrava Municipal Police Station, Santa Fe MPS, San Jose MPS, RIU MIMAROPA, PIT Romblon, Romblon, PMFC at Pontevedra MPS, Capiz sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Agosto 7, 2023 ni Hon. Edwin B. Buffe, Executive Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon, sa kasong 3 counts of Rape na naka docket sa ilalim ng Criminal Case Nos. OD-3295, OD-3296, at OD-3297.
Walang rekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Ang inarestong lalaki ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng CIDG-Romblon PFU para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (RSun Staff)
Add Comment