SAN AGUSTIN, Romblon – Sa kulungan ang bagsak ng isang security guard na may mandamyento de aresto matapos itong hulihin ng kapulisan dakong 12:00 ng hapon ng Enero 16, 2026 sa Sitio Agcahico, Barangay Carmen, San Agustin, Romblon.
Ang suspek ay kinilala na 30 anyos, binata, security guard at residente ng Barangay Agpudlos, San Andres, Romblon.
Inaresto ang lalaki ng pinagsanib na tauhan ng CIDG Romblon PFU, katuwang ang San Agustin Municipal Police Station, RIU 4B-PIT Romblon at RID 4B-RIT Romblon sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu nitong Enero 13, 2026 ni Hon. Donna Borda Pascual, Acting Presiding Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 81, Romblon, Romblon sa kasong Rape (RPC ART. 266-A) sa ilalim ng Criminal Case No. 4231-26 at Statutory Rape under Paragraph (1) (d), Article 266-A of Revised Penal Code, as amended by Republic Act. No. 8353 sa ilalim ng Criminal Case No. FC-352-A-26.
Walang rekomendang piyansa ang Korte para sa dalawang kaso.
Ang dinakip na lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng CIDG Romblon PFU para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)







Add Comment