Home » Blog » Dalawang menor de edad na sakay ng motorsiklo, nahulog sa bangin sa San Agustin, Romblon, isa patay

Dalawang menor de edad na sakay ng motorsiklo, nahulog sa bangin sa San Agustin, Romblon, isa patay

SAN AGUSTIN, Romblon – Sabay na isinugod sa ospital ang dalawang menor de edad na nadisgrasya  matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang motorsiklo kahapon ng hapon, Disyembre 30, 2023 sa National Road ng Sitio Anapog, Binongaan, San Agustin, Romblon.

Ayon sa imbestigasyon ng San Agustin Municipal Police Station, sakay umano ng motorsiklo na minamaneho ng isang menor de edad at angkas nito na isa ring menor de edad na binabaybay ang pababang bahagi ng National Road ng Sitio Anapog, Barangay Binongaan, San Agustin, Romblon.

Habang tumatakbo ng pababang direksyon ang motorsiklo ay nagpreno umano ang drayber para bumagal ang takbo ng sasakyan, ngunit hindi umano kumagat ang preno ng motorsiklo at nawalan ng kontrol ang drayber at aksidenteng nahulog sa bangin ang nasabing sasakyan.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawa na isinugod sa Tablas Island District Hospital para malapatan ng kaukulang lunas.

Dakong 4:26 ng hapon ng nasabing araw ay idineklarang binawian ng buhay ang angkas na biktimang menor de edad. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment