ODIONGAN, Romblon – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isang lalaki na nahuli sa ikinasang buy-bust operation laban sa ilegal na droga kaninang hapon, Hunyo 11, sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.
Ang suspek ay kinilala na si alyas “Romy”, 34 taong gulang, may kinakasama at residente ng Barangay Tabing-Dagat, Odiongan, Romblon.
Sa nasabing petsa, oras, at lugar ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) ay nagsagawa ng buy-bust operation kung saan isang tauhan ng Odiongan MPS na umaktong “buyer” ang nakabili sa suspek ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”.
Matapos na isagawa ang transaksyon ay agad na inaresto ang suspek.
Maliban sa nabili sa suspek, nakuha rin sa posisyon nito ang lima (5) pang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman na pinaghihinalaang ilegal na droga, pera na ginamit sa buy-bust operation, key chain at isang motorsiklo na Euro Motor Sports.
Ang pag imbentaryo, pagkuha ng mga litrato at ibedensiya ay isinagawa sa harapan ng suspek na sinaksihan ng isang halal na opisyal ng naturang barangay, kinatawan mula sa piskalya, at representante mula sa media.
Ang suspek ay isinailalim sa kustodiya ng Odiongan MPS. (RSun Staff)







Add Comment