Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Estudyante nataga ng nagwawala na kainuman sa Looc, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Estudyante nataga ng nagwawala na kainuman sa Looc, Romblon

Estudyante nataga ng nagwawala na kainuman sa Looc, Romblon

LOOC, Romblon – Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang isang estudyante matapos mataga ng pinapayapang kainuman na nagwala dakong 8:30 ng gabi nitong Biyernes, Hunyo 13 sa Sitio Silagon, Barangay Limon Sur, Looc, Romblon.

Kinilala ng Looc Municipal Police Station (LMPS) ang biktima na si alyas “Boy”, 24 taong gulang, estudyante habang ang itinuturong suspek ay nakilala na si alyas “Jose”, na isang 55 taong gulang na magsasaka at kabarangay ng biktima sa Sitio Silagon, Barangay Limon Sur, Looc, Romblon.

Sa imbestigasyon ng Looc MPS, pagkatapos na mag-inuman ng suspek at biktima, ang suspek ay nagmamadali umanong umalis at pumunta ng kanilang tahanan.

Wala umanong dahilan ay nag-umpisang magwala ng suspek kung saan ay kumuha umano ito ng gulok sa loob ng kanilang bahay.

Noong makita ng biktima ang suspek na my dalang gulong ay sinubukan nitong payapain ang suspek at upang mapigilan ay niyapos niya ito.

Ngunit, walang habas umanong winawasiwas ng suspek ang hawak na gulok at nataga nito ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nagawa naman umanong mahagisan ng biktima ang suspek ng isang bagay na ikinatumba nito.

Pansamantalang natigil ang suspek, ngunit ilang sandali lang ay muli itong naging bayolente.

Nang makakita ng oportunidad ang biktima ay tumakbo ito at humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Kapwa dinala ng mga residente ang dalawa sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital, Looc, Romblon para mabigyan ng atensyong medikal.

Samantala, narekober ng mga nagrespondeng kapulisan ang ginamit na armas ng suspek sa lugar na pinangyarihan ng nasabing insidente.

Kasong Frustrated Homicide ang inihahanda ng Looc MPS na isampa sa Provincial Prosecutor’s Office, Odiongan, Romblon laban sa suspek.

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Looc MPS ang suspek. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment