Skip to content
-
Subscribe to our newsletter & never miss our best posts. Subscribe Now!
  • https://www.facebook.com/
  • https://twitter.com/
  • https://t.me/
  • https://www.instagram.com/
  • https://youtube.com/
Romblon Sun Romblon Sun

Pahayagang Makabayan

Romblon Sun Romblon Sun

Pahayagang Makabayan

  • Home
  • News
  • Politics
  • Opinion
  • Sports
  • Romblon Sun TV

Latest Posts

  • Baril at bala nakuha sa isang bahay, SB Member at kasamang lalaki, arestado
  • Senior Citizen sa Looc, Romblon, na hit and run, paa naputol
  • Lalaki timbog sa buy-bust operation kontra ilegal na droga sa San Andres, Romblon
  • Lalaking nakainom nadulas at nahulog sa ilog, patay
  • Barangay Tanod pinagsusuntok ng nakaalitan, patay
  • Lalaki sinaksak ng nakasuntukan sa San Agustin, Romblon
  • Laborer na wanted sa kasong rape, timbog sa Cajidiocan, Romblon
  • Lalaki timbog sa buy-bust operation ng ilegal na droga sa Odiongan, Romblon
  • Senior citizen naputulan ng paa sa aksidente sa motorsiklo sa Odiongan, Romblon
  • Security Guard arestado sa kasong Rape
  • Home
  • News
  • Politics
  • Opinion
  • Sports
  • Romblon Sun TV
Subscribe
Close

Search

Local NewsNews

Senior Citizen sa Looc, Romblon, na hit and run, paa naputol

By Romblon Sun Staff
March 18, 2026 1 Min Read
0

LOOC, Romblon – Durog ang kaliwang paa na isinugod sa ospital ang isang senior citizen matapos magulungan ng gulong ng sasakyang SUV ang paa nito habang nagpapahinga sa tabi ng kalsada noong 9:15 ng gabi ng Marso 14, 2026 sa National Road ng Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.

Kinilala ang biktima na isang 66 taong gulang na lalaki, may-asawa, electrical technician at residente ng Sitio  Masipag, Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.

Base sa imbestigasyon ng Looc Municipal Police Station, pauwi na sa kanilang bahay ang biktima na umano ay nakainom ng alak. Nakaramdam umano ito ng pagod at naisipan na magpahinga sa tabi ng kalsada.

Samantala, isang sasakyan umano ang dumaan at aksidenteng nagulungan ng gulong ang kaliwang paa ng biktima na nagdulot ng malubhang pinsala sa paa nito.

Hindi man lang umano huminto ang drayber ng SUV para tulungan ang biktima sa halip ay tuloy-tuloy ito sa pagpapatakbo ng sasakyan.

Agad namang inasistehan ng mga residente ang biktima at humingi ng tulong sa kinaukulan.

Dinala ang biktimang senior citizen sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa Barangay Punta, Looc, Romblon ng nagrespondeng mga tauhan ng Looc MPS at BFP Looc para malapatan ito ng agarang lunas.

Sa ginawang pag review sa CCTV footage ng Barangay Hall ng Limon Norte, Looc, Romblon napag-alaman na isang kulay puti na SUV ang dumaan na pinagdududahan na nakadisgrasya sa biktima.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Looc MPS ang nasabing pangyayari upang matukoy at matiyak ang pagkakakilanlan sa suspek at sasakyan para masampahan ng kaukulang kaso. (RSun Staff)

Author

Romblon Sun Staff

Follow Me
Other Articles
Previous

Lalaki timbog sa buy-bust operation kontra ilegal na droga sa San Andres, Romblon

Next

Baril at bala nakuha sa isang bahay, SB Member at kasamang lalaki, arestado

No Comment! Be the first one.

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

[youtube-feed]

Latest Edition

Categories

  • Agrikultura at Teknolohiya
  • Columns
  • Education
  • Elmina Fallar
  • Featured
  • Food
  • Health
  • History
  • Lifestyle
  • Local News
  • National News
  • News
  • Opinion
  • Politics
  • Press Releases
  • Regional News
  • Science & Technology
  • Serbisyo Publiko
  • Sinag ng Katotohanan
  • Sports
  • The Better Option
  • Todo Pina
  • Travel
  • Travel & Tour
  • Uncategorized

Recent Posts

  • Baril at bala nakuha sa isang bahay, SB Member at kasamang lalaki, arestado
  • Senior Citizen sa Looc, Romblon, na hit and run, paa naputol
  • Lalaki timbog sa buy-bust operation kontra ilegal na droga sa San Andres, Romblon
  • Lalaking nakainom nadulas at nahulog sa ilog, patay
Copyright 2026 — Romblon Sun. All rights reserved. Blogsy WordPress Theme