Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
PEOPLE'S INITIATIVE, PANGPAGULO SA BANSA (Part 2) - Romblon Sun
Home » Blog » PEOPLE’S INITIATIVE, PANGPAGULO SA BANSA (Part 2)

PEOPLE’S INITIATIVE, PANGPAGULO SA BANSA (Part 2)

Ni JUN FIEDACAN

Patuloy na lumalalim ang hidwaan sa senado at kongreso tungkol dito sa People’s Initiative na isinulong ng grupo ng Speaker of the House. Ang malaking katanungan na pinapipirmahan sa mga tao ay; Pumapayag ba kayo na pagsamahin na lang ang kongreso at senado na magboboto bilang isang unicameral na magbabalangkas sa 1987 constitution? Ibig sabihin isa na lang ang boto ng mga kongresista at senador at hindi na hiwalay ang boto ng senado. Pero ayaw ng senado dahil mawawalan sila ng kapangyarihan bilang upper house sa kongreso. Mawawala ang check and balance sa dalawang legislative bodies na siyang ginagawa nila.

Sa kabila ng sinasabi ng karamihan na ang isinusulong na People’s Initiative, dati na ay walang saysay sa mga nagdaang Pangulo, ay nagtakda pa ang grupo na sa darating na July 2024 ay plansado na ito at puwede ng iharap sa tao sa pamamagitan ng Plebisito. Kuwestiyonable itong isinusulong ng PI.

Sa halip na bigyan ng malawakang diskusyon sa mga diyaryo, radio at television ay wala namang nabasa at narinig ang mga tao. Dapat sana ay dinala yan sa diskusyon sa mga Lokal na Pamahalaan, sa mga Public Plaza, sa mga bulwagan para magkaroon ng malawak na diskusyon pero wala. Bakit takot ang grupo ng nagsusulong na buksan ito sa mga mamamayan? Ano ba talaga ang motibo?

Bigla na lang bumulaga ito sa mga tao. At para mabilis ang papirmahan ay sinusuhulan ng 100.00 sa bawat pipirma at sari- saring dahilan, panlilinlang, pagsisinungaling at may pananakot pa na hindi makakatanggap ng ayuda kung hindi pipirma. Hindi ito Peoples’ Initiative kung pinililit ang mga taong pumirma.

Ano ba ang rason sa pekeng Peoples’ Initiative? Para daw mabuo ang kongreso at senado bilang Constituent Assembly na siyang maghihimay at magbabalangkas ng mga pagbabago sa 1987 constitution. At nakatuon sa economic provision ang aamiyendahan. Dahil may hadlang daw dito sa pag asenso ng bansa. Pero may tatlo ng bagong batas tungkol sa mabilis na pag usad ng ekonomiya ng bansa. Public Service Act, Foreign Service Act at Retail Trade Liberalization Act. Hindi ba sila nagbabasa?

But they have a hidden agenda. That is if there will be amendments in the constitution, they will also open the terms of office of these different politicians and extend them. Para sila sila na lang ang nakapuwesto. Gagawin ding parliamentary form of government galing sa presidential para sila sila na din ang pipili. Mula sa kanilang grupo ng pangulo, prime minister at iba pang mga opisyal. Dapat hindi ito mangyari dahil ang mga politikong gahaman sa puwesto ang sila pa ding makikinabang. Ang gusto ng mga tao ay babaguhin ang constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention na maghahalal ng mga delegado, mga bagong nilalang na wala pang bahid ng kurapsyon, matitino, masisipag, with integrity and honest leadership. Yong ipaglalaban ang kapakanan ng mamamayan at ng bansa .

NO TO CON- ASS, NO TO CHA -CHA BUT YES TO CON-CON. Ipaglaban natin ang 1987 constitution. NO TO FAKE PEOPLES’ INITIATIVE.

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment